Thursday, March 4, 2010

Jokes Batch 1

----------- ---------- ------------ -- ------------ - --------
Job interview:
Boss: Ano ang alam mo?
Rommel: Alam ko po kung saan kayo nakatira ng misis niyo , at kung saan nakatira ang kabit niyo.
Boss: Tanggap ka na!


------------ -- ------------ ---- ------------ - ------------
Tomas: Sobrang tabatsoy ang misis ko , kaya gusto niyang magbawas ng timbang.
Nag-horseback riding siya...
Jorge: Ano ' ng resulta?
Tomas: Nabawasan ng sampung kilo ' yung kabayo!


------------ ---- ------------ --- ------------ - ------------
Ama: Kumusta ang pag-aaral mo?
Anak: Nag-lesson at test po kami tungkol sa mga manok.
Ama: Ano , madali ba?
Anak: Chicken na chicken!
Ama: Anong grade mo?
Anak: Itlog po.


------------ -- --------- ----------- ---------- ----------
Dalawang holdaper sa bangko:

Holdaper #1: Yehey! Mayaman na tayo!
Holdaper #2: Bilangin mo na!
Holdaper #1: Alam mo namang mahina ako sa math. Abangan na lang natin sa balita kung magkano!


-------- ----------- ----------- ------------ ------------
Pasyente: Okey ba ang services sa ospital na ito?
Doktor: Oo naman. Sigurado ' yon.
Pasyente: Paano kung hindi ako satisfied?
Doktor: Ibabalik namin ang sakit mo.


------------ ------------ ------------ -- ------------ -----------
3 tanga nagsisiksikan sa maliit na ** kama **:*

TANGA1: Pare , di tayo kasya. Bawas tayo ng isa , sa lapag na lang matulog.
(Bumaba si Tanga 1.)

TANGA2: Ayan , pare maluwag na , akyat kana dito!




************ ********* **
Dear Dodong ,
Sa susunod anak , Nido non-fat na lang ang ipadala mo sa tatang mo. Nasisira kasi ang tiyan niya sa pinadala mong Nivea Moisturing Milk...
Nagmamahal - Nanay



************ ********* **
ANAK: ' Tay , penge ng pera. May project kami. Bibili ako ng 'cocomban ' ..
TATAY: Ano ka ba naman. Hangga ngayon ' cocomban ' pa rin ang tawag mo!
ANAK: Ano po ba ang tama?
TATAY: Bomb paper!



************ ********* ********* **
MISIS: Dear , iligaw mo nga tong pusa. Nakasako na. Dalhin mo sa malayo!
MISTER: Ok!
MISIS: Bakit ka ginabi? Niligaw mo ba ang pusa?
MISTER: Bwisit na pusang yan! Kundi ko siya sinundan , di ako nakauwi!



************ ********* ********
PEDRO: Galing ako sa doktor , nakabili na ako ng hearing aid. Grabe ang linaw ngayon nang pandinig ko!
JUAN: Wow , galing! Magkanong bili mo sa hearing aid?
PEDRO: Kahapon lang!



************ ********* ********* ******
At a funeral...

ERAP: Tara na , Jinggoy. Alis na tayo!
JINGGOY: Kararating pa lang natin a!
ERAP: Naku mahirap nang maiwan. Basahin mo o: 'REMAINS WILL BE CREMATED. '



************ ********* ********
Tanga 1: Ano bang hinahanap mo diyan sa supot ng 3-in-1 coffee. Kanina ka pa silip nang silip diyan.
Tanga 2: Hinahanap ko yung libreng asukal. Nakasulat kasi sa karton ' SUGAR FREE. '


************ ********* *******
JUAN: Pare , ang bilis kong nabuo ' tong puzzle!
PEDRO: Talaga? Gaano kabilis?
JUAN: 5 months!
PEDRO: Tagal naman!
JUAN: Tagal ba ' yun? Nakalagay nga dito: 'for 3 years & up ' !

No comments:

Post a Comment